Patuloy na maapektuhan ng southwest monsoon o hanging habagat ang malaking bahagi ng bansa partikular na ang timog Luzon, Visayas at Mindanao.
Maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pulo-pulong mga pagkidlat pagkulog ang mararanasan sa Luzon, eastern Visayas, Caraga at Davao.
Bahagyang maulap na kalangitan na mayroong pulo-pulong pagkulog pagkidlat din ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng ating bansa.
Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa hilagang-silangan hanggang sa hilagang-kanluran ang iiral sa hilaga at gitnang Luzon at mula naman sa timog-kanluran hanggang sa kanluran sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ang mga baybaying-dagat sa buong kapuluan ay magiging banayad hanggang sa katamtaman ang pag-alon.
By Mariboy Ysibido