Asahan na magiging maaliwalas ang panahon sa malaking bahagi ng bansa pero posibleng makaranas ng isolated rain showers at thunderstorm sa Bicol region partikular na sa Sorsogon kung saan pumutok ang Bulkang Bulusan.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, posibleng maaliwalas na panahon ang mararanasan sa bahagi ng Visayas at Mindanao dahil malaki ang tiyansa na malusaw na ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng bansa.
Magiging maganda naman ang panahon sa malaking bahagi ng kabisayaan kabilang na diyan ang Samar, Leyte, Bohol, Cebu, Negros Island, Siquijor, Panay Island at Guimaras.
Manatili namang nakaalerto dahil posibleng magkaroon ng isolated rain showers at thunderstorms sa bahagi ng Mindanao lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 34°C habang sumikat naman ang haring araw ala-5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:23 ng hapon.