Magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa malaking bahagi ng bansa pero may tiyansa ng mga isolated rain showers at thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon kay PAGASA senior weather specialist Chris Perez, inaasahan ang maaliwalas na panahon pero posible parin ang mga isolated rain showers at thunderstorms sa Visayas at Mindanao.
Dahil dito, pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na panatilihin ang pagdala ng payong at iba pang panangga sa biglaang pagbuhos ng ulan.
Wala namang nakataas na gale warning ang PAGASA kaya malayang makakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda maging ang maliliit na sasakyang pandagat.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:44 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:09 ng hapon.