Patuloy na uulanin ang malaking bahagi ng bansa bunsod ng pag-iral ng tatlong weather systems kabilang na ang low pressure area (LPA) na dating bagyong Usman.
Batay sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 240 kilometro hilagang kanluran ng Zamboanga City.
Dahil dito, magdadala ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat bunsod ng lpa at tail end of the cold front sa Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON at MIMAROPA.
Habang maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley dahil naman sa amihan.
Samantala, sinabi ng PAGASA na kanilang inaasahang magiging maaliwalas na ang panahon sa buong bansa bukas ng gabi o New Year’s Eve.