Ikinatuwa ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Ricardo visaya ang pagkakabawi ng militar sa lumang munisipyo ng bayan ng Butig sa lalawigan ng Lanao del Sur.
Ito’y ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo kasunod ng nagpapatuloy pa ring opensiba ng militar laban sa Maute Terrorist Group.
Kasunod nito, sinabi ni Arevalo na nagapapasalamat ang AFP Chief sa ibinigay na serbisyo at sakripisyo ng kanyang mga sundalo sabay apela sa publiko na tumulong na supilin ang teroristang grupo.
Batay sa pinakahuling tala ng militar, pumalo na sa 61 miyembro ng Maute ang napatay ng militar habang nasa 12 naman ang sugatan.
Tatlumpu’t lima (35) naman ayon kay arevalo ang sugatan habang nakikipaglaban sa panig ng militar o iyong tinatawag na wounded in action.
By Jaymark Dagala