Inamin ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na hindi lahat ng foreign government at private donations para sa post relief at recovery ng mga biktima ng super typhoon Yolanda ang napunta sa gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay Soliman, 95 porsyento ng mga donasyon ay direktang ibinigay sa mga ahensya ng United Nations tulad ng World Food Program at UNICEF.
Halos 17 bilyong piso lamang aniya kabilang ang P1.2 billion peso cash at P1.2 billion peso “in kind donation” ang natanggap ng pamahalaan mula sa P73 billion peso foreign aid ng international community.
Ang nalalabi anyang P14 billion pesos ay napunta sa mga non-government organization at multilateral organization.
Sa kabila nito, tiniyak ng kalihim na ginamit naman sa mabuting paraan ang cash donations at bukas naman ang ahensya sa anumang pagsisiyasat sa kanilang mga proyekto at programa kabilang ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
By Drew Nacino