Itinaas sa orange alert ang malaking bahagi ng France dahil sa mapanganib na antas ng nyebe at yelo.
Ang orange level ay ikalawa sa pinakamataas na warning level pagdating sa nyebe at yelo.
Dahil dito, binalaan ng national weather agency ng France na Meteo France ang publiko na huwag na munang lumabas ng kani kanilang bahay.
Apektado anito ng snowfall ang dalawamput apat na tanggapan sa Northern at Central France maging ang bahagi ng France.
Sa Paris, mahigit limang sentimetro ng nyebe ang bumagsak kahapon kaya’t pansamantalang isinara ang Eiffel Tower bilang precautionary measure.
Isinara rin ang isang major road sa Paris kung saan 2,000 motorista ang naipit nuong Pebrero.
Posible umanong tumagal ang snowfall hanggang ngayong araw na ito.