Malaking bahagi ng bayan ng Itogon, Benguet ang hindi na maaaring tirhan o pagtayuan ng bahay.
Ayon kay Itogon Mayor Victorio Palangdan, isinagawa ang geo-hazard mapping matapos ang landslides dulot ng bagyong Ompong noong Setyembre na nagresulta sa pagkamatay ng halos 90 katao na karamiha’y minero.
Ito’y batay sa pinakabagong geo-hazard map ng Itogon na nagpapakita na malaking bahagi ng naturang bayan ang critical danger zones habang ang ibang lugar ay may malaking tiyansa na makaranas ng ground movement.
Kabilang sa mga lugar na idineklarang no-build zone ang mga barangay Ampucao, Gumatdang, Loacan at Ucab.
Samantala, nasa 700 pamilya na ang umalis sa kanilang mga bahay sa Itogon matapos ang landslides.
—-