Maghapong uulanin ang malaking bahagi ng Luzon.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mga pag-uulang nararanasan ay epekto ng habagat na pinaigting pa ng nagdaang bagyong Omais sa Dagat Pasipiko.
Patuloy na uulanin ang Metro Manila, Pampanga, Tarlac, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon Province.
Kasabay nito, inalerto din ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa gilid ng bundok at burol dahil sa mga posibleng landslide.
By Ralph Obina