Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang malaking bahagi ng Luzon ganap na alas 5:49 ng hapon ng Lunes.
Ayon sa PHIVOLCS naitala ang sentro ng lindol sa kanlurang bahagi ng Boac, Marinduque na may lalim na apat na kilometro.
Naramdaman din ang pagyanig sa intensity 5 sa Boac Marinduque, intensity 4 sa Batangas City, intensity 3 sa Lipa City, Malvar at Batangas City, samantalang intensity 1 naman sa Guinayangan, Quezon at Tagaytay City.
Wala namang naiulat na pinsala dulot ng pagyanig.
Posted by: Robert Eugenio