Malaking bahagi ng pondo ng Commission on Higher Education (CHED) sa susunod na taon ang inilaan sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (UAQTEA).
Paliwanag ni CHED Chairman Prospero De Vera, ito’y dahil sa inaasahan nilang pagtaas ng bilang ng mga estudyanteng mag-aavail nito sa susunod na taon.
Kaya aniya ang P44.2-bilyon sa kanilang panukalang P50.9-bilyong 2021 budget ay ilalaan para sa UAQTEA.
Mas mataas ito ng 13.49% kumpara sa P38.9-bilyong alokasyon sa ilalim ng 2020 general appropriations act.
Nabatid na noong 2019 ay umabot sa 1.33-milyong estudyante ang libreng nakakapag-aral sa mga state universities and colleges at mga local universities and colleges dahil sa UAQTEA.