Binaha ang maraming bahagi ng Rizal at Metro Manila dahil sa malalakas na pag-ulang dala ng pinalakas na hanging habagat.
Ayon sa Taytay Rizal NDRRMO o National Disaster Risk Reduction and Management Office, may mga lugar na umabot hanggang baywang ang baha tulad ng sa Maria Clara, Isagani , Pulong Barit at E. Rodriguez.
Binaha rin ang ilang bahagi ng San Mateo at Cainta.
Dahil dito, sinuspindi na ng lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar ang klase sa lahat ng antas sa Antipolo, Cainta, Cardona, Jala Jala, Taytay at Tanay Rizal.
Mula pre-school hanggang high school naman ang walang pasok sa Baras Rizal, Binagonan at Teresa Rizal, kabilang na ang Cavite City.
By Len Aguirre