Nasunog ang malaking bahagi ng amusement park na Star City sa Pasay City.
Pasado 12:26 ng madaling araw nang magsimula ang sunog hanggang maitaas ang alarma sa task force bravo matapos ang dalawang oras.
Nadamay na rin sa sunog ang bahagi ng gusali ng Manila Broadcasting Company.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 1, 2019
Ayon kay Pasay City Fire Marshal Superintendent Paul Pili, halos 60% ng mga imprastraktura sa Star City ang naabo sa sunog.
Patuloy namang iniimbestigahan ang naging dahilan ng sunog bagama’t sinasabing nagmula ito sa bahagi ng horror house na Gabi ng Lagim. — ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)