Libu-libong residente na ng Sydney, Australia ang nagsisilikas dahil sa pagbaha bunsod ng mahigit isang buwang pag-ulan.
Ayon sa New South Wales Emergency Services, asahang tataas pa ang baha kung hindi titigil ang pag-ulan.
Sa ngayon ay aabot na sa 48 inches ng tubig-ulan ang bumuhos sa Sydney, ang pinaka-mataas simula noong 1859.
Nagbabala rin ang mga otoridad sa posibleng pag-apaw ng tatlong pangunahing ilog sa lugar na maaaring magpalala sa sitwasyon.