Muling nabawi ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS ang malaking bahagi sa probinsya ng Raqqa, Hilagang Syria na dati ng sinakop ng mga pwersa ni President Bashar Al-Assad.
Ayon sa UK-based Syrian Observatory for Human Rights, itinaboy ng mga pwersa ng ISIS ang government forces 40km mula Tabqa, Kanluran ng Raqqa City na may dam at airbase.
Ang Tabqa Airbase ay ang huling lugar na hawak ng government forces sa Raqqa Province bago sakupin ng ISIS noong August 2014.
By Mariboy Ysibido
Photo Credit: The Washington Times