Epektibo na ngayong araw ang kauna-unahang malaking bawas-presyo ng produktong petrolyo matapos ang 11 linggong sunod-sunod na pagtaas sa presyo nito.
Ayon sa kumpaniyang Caltex, Cleanfuel, Flying V, Petro Gazz, Petron, Phoenix, Total, at UniOil, alas-6 ng umaga lalarga ang P5.45 na presyo ng kada litro ng gasolina; P11.45 sa kada litro ng diesel; habang P8.55 naman ang presyo sa kada litro ng kerosene.
Nabatid na una nang nagpatupad ng kaparehong presyo sa produktong petrolyo ang kumpaniyang Caltex kaninang alas-12 ng madaling araw.
Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado. —sa panulat ni Angelica Doctolero