Kinumpirma ng Amerika na nakabalik na mula Syria at Iraq ang malaking bilang ng mga foreign Islamic State Fighter sa 110 bansa.
Batay sa monitoring ng Central Intelligence Agency, bagaman nasa 40,000 dayuhang ISIS Fighters ang dumagsa sa Middle East simula pa noong 2014, halos 6,000 na lamang ang natitirang buhay kung saan ang iba ay naiipit sa mga border ng Iraq at Syria patungong Turkey, Jordan, Saudi Arabia at Iran.
Pinaka-maraming foreign Jihadist ang nagmula sa Russia na 3,400 kung saan 400 lamang ang nakabalik; Saudi Arabia, 3,200 pero halos 800 lamang ang nakauwi;
Sa Europa naman1,200 lamang ang nakabalik mula sa 5,000 dumagsa sa mga war zone at pinaka-marami ang nagmula sa Britanya, Germany at France.
Gayunman, hindi mabatid ng C.I.A. kung gaano kalaking peligro ang dala ng mga nag-uuwiang foreign ISIS fighter.