Lumalabas sa ulat ng Journal of Global Health sa Estados Unidos na aabot sa halos 17M na mga kababaihan na nakararanas ng menstruation o buwanang dalaw ang mahihirap at two-thirds sa mga ito ang walang kakayahang bumili ng mga menstrual products.
Ayon sa JOGH, ito ang dahilan kaya napipilitan ang marami sa kanila na mas unahing paglaanan ng budget ang pagkain kesa ang kanilang personal hygiene.
Dahil dito, naisipan ng mag-inang sina Lynette Medley at anak nitong si, Nya, na mamahagi ng libreng period products sa mga kababaihan sa Philadelphia.
Ginawa din ito ng mag-inang Medley kasunod narin ng nararanasang tampon shortage at mataas na inflation na naging dahilan ng pagtaas ng halaga ng mga menstrual hygiene product sa Amerika.
Kabilang sa kanilang mga libreng ipinamimigay sa mga kababaihan ang tampon, underwear, pads at menstrual cups.