Aminado ang Malakanyang na hindi nila napaghandaan ang exodus ng locally stranded individuals (LSI) o yung mga naipit sa Metro Manila matapos ipatupad ang quarantine nuong Marso.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi ito katulad ng pag uwi ng mga OFWs at Balik Probinsya Program na napaghandaan ng pamahalaan.
Dahil dito, wala anyang mandatory testing na isinasagawa sa mga LSI na umuuwi ng probinsya.
Gayunman, sinabi ni Roque na isinaayos na ang sistema at kailangan na ngayong mabigyan ng RT-PCR o rapid test ang mga pauuwiin upang hindi maging potensyal na makapanghawa ng sakit.
Una nang sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez na ang 66 na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Region 8 ay mga locally stranded individuals mula sa Metro Manila.