Malaking bilang ng mga Pilipino ang positibong gaganda ang kanilang buhay at maging ang ekonomiya ng bansa ngayong taon.
Ito ang resulta sa fourth quarter survey ng Social Weather Stations o SWS, kung saan lumalabas na 49 na porsyento ng mga Pinoy ang umaasang gaganda ang kanilang pamumuhay sa loob ng 12 buwan habang 3 porsyento lamang ang naniniwalang lalala ang kanilang pamumuhay.
Dahil dito naitala ang positive 46 na net personal optimism o katumbas ng excellent at mas mataas ng 4 na puntos kumpara sa positive 42 noong Setyembre noong nakaraang taon.
Samantala, 52 porsyento naman ng mga pinoy ang positibong gaganda ang ekonomiya ngayong taon habang 9 na porsyento lamang ang naniniwalang hindi gaganda ang lagay ng ekonomiya.