Malaking bilang pa rin ng mga Pinoy ang nananatiling walang tiwala sa China at Russia.
Ito ay sa kabila ng patuloy na pakikipagmabutihan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang mga bansa.
Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, lumalabas na 63 percent ng mga Pinoy ang hindi nagtitiwala sa China habang 56 percent naman sa Russia.
Pinakapinagkakatiwalaang bansa pa rin ng mga Pinoy ay ang Estados Unidos na nasa 79 percent, Japan na may 75 percent, Australia na may 69 percent at United Kingdom na nakakuha naman ng 53 percent na tiwala ng mga Pinoy.
Samantala, kabilang naman sa mga pinagkakatiwalaang international groups ng mga Pinoy ay ang United Nations na may 82 percent at Southeast Asian Nations o ASEAN na may 81 percent.
Ang naturang survey ay isinagawa noong March 15 hanggang 20 sa may isanlibo dalawandaang (1,200) respondents sa kasagsagan ng isyu ukol sa presensya ng Chinese survey vessel sa Benham Rise.
By Ralph Obina
Malaking bilang ng Pinoy wala pa ring tiwala sa China at Russia was last modified: May 2nd, 2017 by DWIZ 882