Kinuwestyon ng kampo ni Senator Bongbong Marcos ang napakalaking bilang ng mga undervote sa pagka-Bise Presidente.
Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Marcos, umabot sa higit 600,000 mga undervote ang kanilang natuklasan sa mga nabuksang certificate of canvass.
Patunay aniya ito nauna nang reklamo ng kampo ni Marcos na 3.3 million na undervote sa kanilang sariling quick count.
Sinasabing 14,000 mga botante ang hindi bomoto sa posisyon ng bise presidente sa Ilocos Region na balwarte ni Marcos habang higit 200,000 naman ang undervote sa Visayas at 147,000 naman sa Mindanao.
VP race
Samantala, nanguna pa rin si Senator Bongbong Marcos sa bilangan sa pagka-bise presidente sa ikalawang araw ng canvassing sa Kongreso.
Nakakuha si Marcos ng 13, 214, 810 votes na dikit lamang sa kalaban nitong si Rep. Leni Robredo na mayroon namang 13, 131, 330 votes.
Mula ito sa 113 out of 165 na mga certificate of canvass na nabilang ng Kongreso na umuupong National Board of Canvassers.
Nakuha ni Marcos ang kanyang pag-abante nang magsimula nang bilangan ang mga COC mula sa solid north at Ilocos provinces kung saan sa isang punto ay nagbigay pa sa kanya ng 1.9 na milyong lamang kay Robredo.
Samantala, nanatili naman ang pangunguna ni Davao City Mayor Rodrigo Durterte sa 15, 140, 495 votes sinundan ni Mar Roxas 9, 057, 359, Grace Poe 8,697, 378, Jejomar Binay 4, 971, 584 at Miriam Santiago 1, 398, 278.
By Rianne Briones