Nanawagan sa gobyerno si Senator Alan Peter Cayetano na bigyan ng mas malaking pondo ang Philippine Sports Commission (PSC) para maibigay ang sapat na pangangailangan ng mga manlalaro.
Ayon sa Senador, dapat lakihan ang kanilang budget para mas mapalakas at maipakita ang galing ng mga baguhang atleta partikular na ang paggastos sa Grassroots Sports Program para sa pagsasanay at kinabukasan ng mga Pinoy Athletes.
Pinasasama rin ni Cayetano sa mga susunod na budget deliberations ang pagkakaroon ng Grassroots Campaign Sports Development Program na makatutulong sa pag-unlad ng Sports Industry sa bansa.
Plano ding maglaan ng pondo ni Cayetano para sa pagpapaigting ng mga pasilidad upang mahikayat ang mas maraming Pilipino na tangkilikin ang sports na sagot sa maraming problema kabilang na ang kawalan ng disiplina, sakripisyo, passion, maging ang kakulangan sa teamwork at ang paglaban sa iligal na droga.