Nagagamit nang pork barrel ang bahagi ng bloated o malaking budget na inilalaan para sa ROW o Right of Way sa ilalim ng National Expenditure Program.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson na nagsabing nakita niya nuong 2016 ang budget sa ROW ay halos 11 Billion Pesos subalit pagdating sa Kamara ay naging 8.6 billion na lamang sa 2017 naman – 32. 4 Billion na naging 21. 5 Billion Pesos at panukalang 2018 budget, 56. 4 Billion Pesos na naging 51 Billion Pesos na lamang.
Iginiit ni Lacson na may pattern o nagiging malaki aniyang source o pinagkukunan ng mga mambabatas ng pondo para sa insertion at re alignment ang budget para sa ROW.
Sa ilalim ng 2018 budget bukod sa 51 Billion Pesos na budget para sa ROW may nakahiwalay pang 86 Billion Pesos para sa road project at ROW.
Subalit planong ipatapyas ni Lacson ang naturang 86 Billion Pesos dahil dapat malinawan muna ang pondo para sa road project at maging para sa ROW.
Mismong si DPWH Secretary Mark Villar aniya ang nagsabing hindi tamang sabay na pondohan ang sa ROW at road constructions dahil dapat muna ma settle ang sa ROW bago ang konstruksyon ng mga kalsada.