Dapat i-prayoridad ng gobyerno ang pag-resolba sa malaking “gap” o agwat ng presyo ng ibinebentang sibuyas ng mga magsasaka at mga nabibili ng mga consumer.
Ito ang ipinanawagan ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa Department of Agriculture makaraang pumalo na naman sa P600 ang kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan.
Ayon sa SINAG, ang farmgate price ng sibuyas ay umaabot sa P250 hanggang P300 kada kilo habang ang retail price ay hindi dapat lumampas sa P400 kada kilo.
Gayunman, sumirit hanggang P720 ang pulang sibuyas sa ilang palengke, lalo sa Metro Manila.
Iginiit ng SINAG na sa halip hintayin ang mga bagong angkat na sibuyas, na maaaring maka-apekto sa farmgate prices kasabay ng pagsisimula ng anihan, dapat tutukan ng DA ang pagresolba sa malaking agwat ng farmgate at retail prices.