Posibleng malaking sindikato ng droga ang nasa likod ng isandaan at animnapu’t tatlong (163) milyong pisong halaga ng shabu na nasabat sa Sta. Ana Maynila.
Ayon kay Chief Superintendent Amando Empiso, District Director ng Northern Police District Command, aabot sa dalawampu’t apat (24) na kilo ang nasabat nilang shabu na posibleng ibinebenta sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Sinabi ni Empiso na sa ngayon ay tuloy-tuloy ang kanilang imbestigasyon upang malansag ang sindikato.
Nagsimula ang operasyon ng NPD sa Caloocan City kung saan naaresto nila ang dalawa katao na siyang nagbigay ng impormasyon hinggil sa droga sa Sta. Ana Maynila.
“Definitely malaking grupo ito dahil sa volume pa lang ng na-recover nating shabu ay napakalaki na, alam naman natin na normally ‘yung mga tinatawag nating street level ay maliliit lang ito, mga pa-piso-piso ang tawan nila, pero itong na-recover natin ay 24 kilograms.” Pahayag ni Empiso
(Ratsada Balita Interview)