Nagtataka umano ang mga taga New Bilibid Prisons kung bakit 1.6 Milyong Piso lamang ang idineklarang halaga ng mga nakumpiska sa isinagawang Oplan Galugad na pinamunuan ng nuo’y Justice Secretary Leila de Lima
Pahayag ito ng bilanggong si Nonilo Arile na isa umanong asset sa loob ng NBP makaraang ibunyag nito ang 300 Milyong Pisong halaga ng cash at mga kontrabando na nasabat sa nasabing operasyon
Sa pagharap ni Arile sa pagdinig ng house justice committee, sinabi nito na personal niyang nakita ang 65 milyong piso na nakumpiska sa Oplan Galugad mula sa kubol ng drug lord na si Sam Li Chua
Isiniwalat din ni Arile ang naging pag-amin sa kaniya ni Jaybee Sebastian na asset siya ni De Lima at pinangakuan umano ito ng absolute pardon kung makalilikom ito ng pera para sa kampaniya ng Senadora nuong eleksyon
By: Jaymark Dagala