Nasabat ng mga otoridad sa San Fernando, Pampanga ang tinatayang 600,000 halaga ng hindi rehistradong imported cooking oil.
Nadiskubre sa isang bodega ang gallon-galong palm oil na sinasabing nagmula sa China at Malaysia.
Sinasabing naikalat na sa merkado at naibebenta na ang mga naturang cooking oil na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration (FDA).
Inaresto naman ang caretaker ng bodega na itinangging alam niyang hindi FDA registered ang mga naturang palm oil.