Idinepensa ng chairman ng House committee on Appropriations ang mas malaking infrastructure budget para sa Taguig City ang dalawang distrito ay kinakatawan ng mag-asawang sina House Speaker Alan Peter Cayetano at Rep. Lani Cayentano.
Para kay ACT-CIS Party-list Rep. Eric Go Yap, House budget panel chair, wala siyang nakikitang masama kung mabibigyan ng mahigit P11-B halaga ng mga proyekto ang Taguig mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Paliwanag ni Yap, natural lamang na magkaroon ng malaking badyet ang lungsod dahil tahanan ito ng mga kampo at base militar kung saan ibinubuhos ang pondo.
Matatandaang sinita ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. sa nakaraang budget hearing ang paglalaan ng malalaking proyekto ng DPWH sa Taguig at Camarines Sur (CamSur) para sa susunod na taon.