Hinagupit hindi lamang ng bagyong Ondoy kundi maging ng bagyong Paeng ang Barangay Canlalay sa Binan, Laguna.
Subalit nanatiling matatag ang Barangay Canlalay Health Station na siyang pinakapuso ng healthcare sa Barangay Canlalay dahil na rin sa pagkakaisa ng local health workers para patuloy na makapagbigay ng serbisyong medikal.
Nagkapit-bisig naman ang UNIQLO Philippines at SM Group sa pamamagitan ng SM Foundation Incorporated at SM City Sta. Rosa para suportahan ang pagsasaayos ng Barangay Canlalay Health Station na pinagsisilbihan ang pitong lugar na mayruong dalawampung libong residente.
Sa labas ay mapapansin ang luma nang marker at pintura ng health center kaya hirap ang mga residente na mahanap ito samantalang sa loob naman ay may tagas na ang bubong, nakalabas na ang mga kable ng kuryente at may mga mantsa nang mga sahig na nakakaapekto sa kaligtasan at operasyon mismo ng Barangay Canlalay Health Station.
Ayon sa midwife na si Jossie Zapata nakadagdag pa ang bagyong Paeng sa kanilang problema tulad nang inaanay na kahoy na sumusuporta sa mga bintana ng health center, pintong wala nang hamba, mga lumang file cabinets na halos hindi na nila magamit o maisara at kawalan ng lalagyan ng cards ng mga sanggol at mga buntis.
Sinabi ni Zapata na nagpaggawa siya sa kanyang kapitbahay ng makeshift o improvised delivery bed para mayruong mahigaan ang mga buntis nilang pasyente.
Habang patuloy ang pag agapay ng Barangay Canlalay Health Station sa kanilang healthcare systems tumulong ang SM at UNIQLO Philippines para mapalakas pa ang kapasidad ng health center na makapag serbisyo sa komunidad.
Bahagi ng tulong ng SM at UNIQLO ang pagpapa repair ng bubong, pader at sahig ng health station, pagpapalit sa mga inanay na pinto ng glass doors habang inayos din ang breastfeeding station para maging kumportable at magkaruon ng privacy ang mga breastfeeding mothers.
Hindi lamang nalimita sa pagpapaayos ng health center ang ibinigay ng SM at UNIQLO kundi nagkaloob din ang dalawang panig ng delivery bed, medical equipment at refrigerator para sa mga bakuna at television para sa health programs bukod pa sa mga ilaw at appliances, steel cabinets, upuan at lamesa.
Matapos maayos ang health center nagampanan ng SM Group ang misyon nitong isulong ang pakikipag-isa sa komunidad kaya naman inihayag ng midwife na si Jossie Zapata na mas mahihimok ang mga residente ng Barangay Canlalay na mag-avail ng medical services na para sa kanila at mapalakas pa ang kapasidad ng health center na makapagsilbi pa.
Ipinabatid ni Zapata na dahil sa tulong ng SM Foundation at UNIQLO gumaan ang paghahatid nila ng serbisyo tulad nang mabilis nilang pag-access sa mga dokumento ng mga pasyente dahil sa bagong cabinet nila, mga medical equipments, matibay at accessible na mga lalagyan at madaling makuhang tools at gamot na may maayos na ring label.
Dahil din sa tulong ng SMFI at UNIQLO sinabi ni Zapata na handa na silang ma-audit ng DOH lalo pa’t napagtutuunan na ng pansin ang convenience at privacy ng mga pasyente tula na lamang nang pagkakaruon nila ng breastfeeding area.