Muling pinuna ni Sen. Ralph Recto ang napakalaking kinakaltas sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Recto na ito ang dahilan kaya suportado niya ang panukalang reporma sa taxation.
Giit ni Recto, tila hindi rin akma ang panukalang itaas ang sweldo ng mga manggagawa dahil tataas naman ang buwis na ipapataw sa mga ito.
Our constitution provides a progressive system for taxation, ibig sabihin mas malaki kinikita mo, mas malaki dapat ang buwis na binabayaran mo. Napakalaki talaga ng kinakalatas sa mga manggagagawa,” paliwanag ni Recto.
By: Jelbert Perdez