Aprubado na ng dalawang komite ng Kamara ang panukala para sa paggamit ng mas malaking plaka at ‘identifying marks’ sa mga motorsiklo na naglalayong mabawasan ang tinatawag na ‘motorcycle crimes’
Sa ilalim ng nasabing panukala , bibigyan ng kapangyarihan ang Land Transportation Office (LTO) na magtakda ng sukat ng plaka ng motorsiklo kung saan dapat nababasa ito sa layong 12 metro.
Ang sinumang mahuhuling hindi susunod sa paglalagay ng malaking plaka ay papatawan ng multa na nagkakahalaga ng 5,000 Piso para sa unang paglabag at 10,000 Piso para sa ikalawang paglabag.
Kakanselahin naman ang lisensya ng mga driver na lalabag sa ikatlong pagkakataon bukod pa sa ipapataw na multa dito na 15,000 Piso.