Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano ang malaking pondo para sa 2023 at modernisasyon para sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) oras na talakayin na sa senado ang pondo para sa State Universities and Colleges (SUCS) sa ilalim ng panukalang 2023 national budget.
Ayon kay Cayetano karapat-dapat lang ang mas malaking pondo para sa unibersidad gayong mataas ang demand sa mga employer ng mga nagtapos mula sa nasabing pamantasan at mas marami pa itong magagawa kung dadagdagan ang pondo.
Samantala, bukod sa PUP nais din ng senador ang pagpapatupad ng mga pagbabago sa lahat ng mga kolehiyo’t unibersidad sa bansa.