Nagmumula sa China ang karamihan o malaking porsyento ng illegal drugs na bumabagsak sa Pilipinas.
Ipinabatid ito ni Vice President Leni Robredo matapos makapulong ang mga opisyal ng DILG at PNP.
Sinabi ni Robredo na batay sa nakukuha niyang report, Pilipino at Chinese nationals ang karamihan din sa mga nahuhuling nag o-operate o nasasangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ito aniya ang dapat nilang tutukan sa Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).
Una nang nakapulong ni Robredo ang mga opisyal ng United Nations at U.S. Embassy kung saan pinag usapan nila ang mga posibleng hakbangin para labanan ang illegal drug trade sa bansa.