Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang malaking shabu laboratory sa Barangay Sto. Niño, Ibaan Batangas.
Ayon sa PDEA, may lawak ng mahigit isang hektarya ang nasabing shabu lab na nakatago sa likod ng isang farm.
Dagdag ng PDEA, kayang gumawa ng nasabing laboratoryo ng hanggang 25 kilo ng shabu kada raw bukod pa sa ecstasy.
Naaresto naman sa raid ang tatlong Chinese national na hinihinalang mga chemist ng shabu lab at apat na mga Filipinong kasamahan ng mga ito.
Samantala, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbentaryo ng mga awtoridad sa mga nakuhang gamit sa paggawa ng iligal na droga.
Director General Aaron Aquino pinangunahan ang press conference matapos na salakayin ng mga awtoridad ang isang shabu laboratory sa Hingoso Farm Barangay Sto. Niño, Ibaan, Batangas City. | via PDEA PIO pic.twitter.com/Qg4xmYDTXW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 12, 2018
—-