Ibinabala ng PAGASA ang pagbuhos ng malalakas na pag-ulan partikular na sa kanlurang bahagi ng bansa.
Ito’y ayon sa Weather Bureau ay bunsod ng pag-iral ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat na siyang dominanteng naka-a-apekto sa Hilagang Luzon.
Kagabi, binulabog ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila gayundin ang mga kalapit nitong lalawigan.
Dahilan upang magdulot ng matinding pagsisikip ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila kasabay ng rush hour.
Dahil dito, pahirapan sa pagsakay ng mga pampublikong sasakyan ang mga naistranded na pasahero.
By: Jaymark Dagala