Nakaranas ng malalakas na pag ulan ngayong hapon ang Davao City, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental at Zamboanga del Sur.
Nauna nang nakaranas na malakas na ulan na may malakas na hangin dahil sa thunderstorms ang Banay-Banay Davao Oriental at ang Davao del Norte gayundin ang maraming bayan sa Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino Province sa Northern Luzon.
Sa kabila ito ng paghina na ng bagyong tisoy at inaasahang paglabas ng bansa mamayang gabi o bukas ng umaga.
Pinapayuhan pa rin ang lahat na mag ingat lalo na ang mga nakatira sa mga lugar na posibleng magkaruon ng landslides.