Nagsimula na ngayong araw ang mga malalaking aktibidad kaugnay sa traslacion 2019.
Naganap kaninang ala 1:30 ng hapon ang pagbasbas sa lahat ng mga replika ng Itim na Nazareno na mula pa sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Magkakaroon naman ng isang send-off mass para sa mga boluntaryo sa traslacion sa Quirino Grandstand 7:00 ng umaga bukas.
Susundan ito ng pahalik sa poon at ang pagsisimula ng magdamagang bihilya sa hapon.
Sa hatinggabi naman ng Enero 9, sisimulan sa isang banal na misa ang araw ng pista na susundan ng oras oras na misa sa Quiapo Church hanggang sa makabalik ang Itim na Nazareno.
Ayon sa mga awtoridad ng simbahan, tinatayang alas 2:00 ng madaling araw ng Huwebes, Enero 10, darating ang Itim na Nazareno sa Quiapo Church.
Inaasahan namang aabot sa mahigit 21 milyon ang bilang ng mga makikiisa sa buong linggong pagdiriwang ng pista.