Itinigil na ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang pagpapamudmod ng malalaking bonus sa mga opisyal at empleyado nito.
Ayon kay PCSO Chair Jose Jorge Corpuz, alinsunod ito sa kautusan ng Office of the President noong Setyembre 1 na nagpapatigil ng mga kwestyonableng allowance at bonus ng mga kawani ng ahensya.
Una nang tinukoy Commision on Audit na nangunguna ang PCSO sa mga ahensya ng gobyerno sa nabigyan ng notice of disallowance dahil pagbibigay ng malaking bonuses na umaabot sa 535 million pesos.
Sinabi naman ni Corpuz na hindi pa pinal ang naging notice of disallowance na inisyu ng COA dahil mayroong apela dito ang PCSO.
—-