Tinawag na “Decision Year” ni Political Analyst Professor Mon Casiple ang taong 2018.
Ayon kay Casiple, malalaking isyu na posibleng madesisyunan ngayong taon ang magpapabago sa kagalayan ng bansa.
Kabilang dito ay ang usapin sa pederalismo, peace talks at ang 2019 midterm elections.
“Itong federalism, malaki ang implikasyon nito sa buong political system natin ganun din yung mga peace talks, kung ano man ang mangyari diyan lalo na yung pagpapasa ng BBL, may implikasyon yan sa politika ng Mindanao at sabihin na natin na ang mga oposisyon will have to decide kung makikipag-ayos o hindi.”
Posible rin aniyang mas tumindi pa ang bakbakan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA dahil sa patuloy na paglabo ng usapang pangkapayaapan sa pagitan ng dalawang panig.
“Hindi naman nagsara, tingin ko yung dalawang panig. Mayroong lang mga kondisyones na nilagay bawa’t isa na siyang batayan ng hindi pagtuloy ng usapan kaya masama ang dating ng 2018.”
(Ratsada Balita Interview)