Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mayayamang negosyante na nagmamay-ari ng malalaking kumpanya sa Pilipinas.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga dating rebelde sa San Isidro, Leyte, tinawag ng pangulo na magnanakaw at baliw na mayayaman ang mga nag mamay-ari ng dalawang water concessionaire sa Metro Manila.
Sinabi ng pangulo na niloloko lang ng mga mayayaman sa bansa ang mga Pilipino gaya aniya ng mga Ayala at Pangilinan na nagmamay-ari din ng dalawang malaking telecommunication company sa bansa.
Ayon kay Pangulong Duterte, sila ang dapat na pinapatay dahil nilalabag nila ang karapatan ng maraming Pilipino.
Giit ng pangulo, galit siya sa mga ito dahil naging milyonaryo umano ang mga ito dahil sa pananamantala sa mga Pilipino.
There are rich people in the Philippines who are crazy. They’re the ones whom we should kill. Just wait for my go signal…” ani Duterte.