Iginiit ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na dapat imbestigahan ang mga malalaking opisyal ng gobyerno na sangkot sa smuggling.
Kasunod ito ng pahayag ni Department of Agriculture Assistant Secretary Federico Laciste Jr. sa ginawang pagdinig sa senado kung saan, may dating matataas na opisyal ng gobyerno na tumawag sa kanya noong nakaraang taon kaugnay sa mga nasabat na smuggling ng kanilang ahensya.
Ayon kay Pimentel, dapat isumbong sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang mga opisyal na may kinalaman sa mga smuggling na inaangkat umano mula pa sa labas ng bansa.
Sinabi ni Pimentel na kung pulitiko ang sangkot sa smuggling ay maari itong isumbong sa liderato ng senado o sa kamara at ideretso sa Korte Suprema ang reklamo ukol sa panghihimasok ng mga pulitiko. —sa panulat ni Angelica Doctolero