Nagbigay babala ngayon ang DDB o Dangerous Drugs Board sa malalaking personalidad sa Western Visayas na sangkot umano sa illegal drug trade.
Ayon kay DDB Chairman General Dionisio Santiago, kaniyang napag – alaman noong siya ay nasa BuCor o Bureau of Corrections pa lamang na may kaugnayan ang malalaking personalidad sa Region 6 sa drug lord na si Peter Co na nakakulong ngayon sa New Bilibid Prison (NBP).
Ani Santiago, dapat mag – ingat na ang mga ito dahil wala aniya silang sasantuhin sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Nilinaw pa ni Santiago na hindi lang sa Iloilo ang sangkot dito kung hindi ang buong Western Visayas.
Giit ni Santiago, kaya hindi matigil ang illegal drug trade sa rehiyon ay dahil patuloy na gumagalaw ang mga tao sa labas kahit pa nakakulong na si Co.