Target iparalisa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang malalaking drug syndicates na mayroong sariling armadong grupo.
Ayon kay General Eduardo Año, hepe ng AFP, sa mga malakihang operasyon lamang lalahok sa giyera kontra droga ang mga sundalong kasapi ng bubuuing task force na isasabak sa giyera kontra droga.
Ang inisyal na plano anya ay isang batalyon o limandaang (500) sundalo ang isasama sa task force subalit puwede itong bawasan o dagdagan, depende sa sitwasyon.
“Sa mga operation na hindi nila kaya dahil may ine-expect na malaking armadong grupo yung drug syndicate diyan na may malakas na puwersa, halimbawa sa Mindanao, yung ibang mga drug syndicates diyan ay may sariling private armed groups, tapos papasukin pa sa medyo liblib at bundok na lugar, ang mangunguna diyan ay ang ating sandatahan bilang strike forces o marshalls, sa mga lugar naman na kayang-kaya ng PDEA hindi na kailangan ng tulong ng armed forces.” Ani Año
Kasabay nito, muling tiniyak ni Año na susunod ang mga sundalo sa rules of engagement at hindi mangyayari ang pinangangambahan na lalo pang lumala ang patayan at paglabag sa karapatang pantao sa pagpasok ng AFP sa giyera kontra droga.
“We can assure the public na hindi mangyayari sa sundalo natin na mako-corrupt nung drug trade sapagkat mataas ang antas ng ating disiplina, meron tayong mga security reforms na ginagawa sa armed forces, at yung pag-obserba natin ng human rights ay binibigyan natin ng emphasis, in fact lahat ng sundalo ay nag-uundergo ng human rights module sa lahat ng schooling.” Pahayag ni Año
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)