Malalang lagay ng trapiko ang isa sa tinitingnang posibleng dahilan ng pagbagal ng ekonomiya ng National Capital Region (NCR).
Ito’y matapos bumagal ang Gross Regional Domestic Product (GRDP) o ang paglago ng ekonomiya sa Metro Manila noong 2018 kumpara sa sinundan na taon.
Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 4. 8% ng GRDP noong 2018 samantalang noong 2017 ay nasa 6 .2% ito.
Ayon sa National Economic Development Authority (NEDA), malaking bagay ang lagay ng trapiko sa paggawa at paghahatid ng mga produkto at serbisyo sa rehiyon kaya’t nakakaapekto ito sa galaw ng ekonomiya.