Umapela ang PLP o Prosecutor’s League of the Philippines kina pangulong Rodrigo Duterte at Justice Secretary Vitaliano Aguirre na magsagawa ng malalimang imbestigasyon.
Kaugnay ito sa pagkamatay ni Quezon Assisstant Provincial Prosecutor Reymund Luna makaraang tambangan ito ng mga hindi pa tukoy na salarin noong Setyembre 29 sa Infanta.
Batay sa inilabas na pahayag ng PLP sa pangunguna ni Atty. Marylin Fatima Madamba – luang, umaasa sila na mabibigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Luna at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Magugunitang bago mapatay si Luna, patay din sa pananambang si Assistant Provincial Prosecutor Maria Ronatay ng Taytay, Rizal sa kahabaan ng Ortigas Avenue Extension noong Hulyo 18.