Ikinakasa na ng PNP o Philippine National Police ang isang malalimang imbestigasyon sa modus operandi ng rent sangla para malaman kung sinu-sino ang mga sangkot dito.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, isa sa titignan nila ang posibilidad ng sabwatan ng sindikato at mga empleyado ng bangko.
Nakapagtataka aniya na ang isang kaso na hawak nila kung saan nakapag-loan ng 16 na sasakyan ang isang tao nang hindi man lang naghinala at nagsumbong sa pulis ang bangko.
Dahil dito, pinayuhan ni Dela Rosa ang mga bangko na mag-ingat sa pagtanggap ng aplikasyon ng mga car loan para hindi mapaghinalaan na nagkipagsabwatan ang mga ito sa mga sindikato ng rent sangla.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal