Nanawagan ang Human Rights Watch (HRW) ng malaliman at walang kinikilingang imbestigasyon sa naging kontrobersyal na pag-red tag ni Lt. Gen. Antonio Parlade sa isang online journalist.
Ayon kay HRW Deputy Asia Director Phil Robertson, ang imbestigasyon kay Parlade, spokesman ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ay dapat maging simula ng mas malaking effort para panagutin ang mga opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng go signal para sa extra judicial killings.
Kahit pa pinaiimbestigahan ni AFP Chief Cirilito Sobejana si Parlade, sinabi ni Robertson na malaking tanong ay kung magkakaroon ng impact ang anumang pressure sa militar laban sa paggamit ng mga red-tagging tactics.
Una nang nag-sorry si Parlade kay Tetch Torres-Tupas ng inquirer.net at winelcome ang imbestigasyon sa kanya ng AFP.