Asahan na ang malamig na panahon sa mga susunod na araw.
Ayon sa PAGASA, opisyal nang nagtapos ang Hanging Habagat na nagdadala ng mga pag-uulan sa bansa.
Kasunod nito, magkakaroon na ng ‘transition’ o ang pagpasok naman ng Amihan na magdadala ng mas malamig na hangin.
Gayunman, una nang sinabi ng ahensya na hindi gaanong malamig ang holiday weather at medyo mainit ang panahon sa Pasko kumpara sa nakalipas na mga taon.
Samantala, sinabi ng PAGASA na asahan ang hanggang anim pang bagyo na papasok sa bansa hanggang matapos ang taon.