Posibleng sa katapusan ng Marso pa unti-unting maramdaman ang mainit na panahon na siyang hudyat ng pagpasok ng tag-init.
Ito’y ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ay dahil sa ngayong buwan na lamang mararamdaman ang huling bugso ng hanging amihan na siyang nagdudulot ng malamig na temperature.
Batay sa monitoring ng PAGASA, naitala ang 7 degrees Celsius na temperatura sa Mt. Sto. Tomas sa bayan ng Tuba, lalawigan ng Benguet.
9.4 degrees Celsius naman ang naitalang temperatura sa Baguio City habang nasa 21. 4 degrees Celsius ang naitala sa Science Garden sa Quezon City.
By Jaymark Dagala